Wednesday, January 20, 2010


MAS masigla na ang gising ng mga chikiting tuwing Sabado dahil simula Oct. 31 ay makikilala na nila ang mga bago nilang kalaro sa “Kulilits.”


Kasabay nilang matuto at magsaya sa bagong prog­rama ng ABS-CBN News and Current Affairs ang mga pinakasikat at pinaka-cute na child stars nga­yon sa bansa na sina?Cha-cha “Bulilit” Cañete, Star Circle Quest 2009 Grand Kid Questor Bugoy Cariño at ang 1st runner up na si Izzy Canillo.


Bawat linggo, siguradong matututo ang mga chikiting! Letra at Matematika, Kantahan at sayawan, mga bagong uso sa kabataan, lahat matututunan.

Higit pa sa mga bagong kaalaman, hi­git na papahalagahan ang mabuting asal. Dahil ang batang kulilit ay ‘di lang matalino kundi may ma­buting puso.


Ngayong umaga, magtutulungan sina Cha-Cha, Bugoy at Izzy na gumawa ng Halloween costume! Iikot din ang mga kulilits para mag-trick or treat at mangolekta ng kendi. Tuturuan din nila ang mga kalaro ng isang ma­gic trick!

0 comments:

Post a Comment

 

Copyright 2010-2013 Managed by: Ann Izzy Canillo.

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.